Kasi ang blog post na ito ay para sa mga Pilipinong kagaya ko. Grabe, ang tindi pa rin kasi ng hangover ko sa pelikulang pinanood ko nung nakaraang Sabado pa--Heneral Luna.
Image from Heneral Luna FB page |
Aaminin ko, bago ko mapanood ang pelikulang 'to wala akong masyadong alam sa buhay ni Antonio Luna. May bloopers pa nga ako the first time I heard about this film! Ang tanong ko pa, "Ah, sya ba yung sa Battle of Tirad Pass?" Mali!!! Si Gregorio Del Pilar pala yun, haist! (Pero at least alam ko kung bakit parating naka-upo si Apolinario Mabini hehe.)
Image from Heneral Luna Meme FB page. Sorry naman benta lang sakin mga meme na 'to haha! Paolo Avelino as Gregorio del Pilar. |
Nakakahiya, kahit noon pa man favorite subject ko ang History (Ito ata yung subject na enjoy ako mag-aral at excited mag-exam. Mag-memorize na ko for this kesa sa sumagot ako ng problem solving at kung anu-ano pang equations!), hindi naging popular si Heneral Luna sa'kin. Kaya bago ko panoorin ung pelikula, I made a personal research about Antonio Luna, the Philippine-American War and some tidbits about our politics during that time.
Uso na yang "Bigyan niyo ko ng tatlong araw" line na yan haha! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Tingin ko, hindi ako magsasawang sabihin 'to... Ang ganda ng Heneral Luna!!! Though may disclaimer ako na hindi po ako isang film critic or movie enthusiast. Maganda sya hindi dahil entertaining lang sya (sa mga pinanood kong heroes/history-based movies, ito ung ang dami kong tawa! I believe the minds behind this movie took that creative liberty para mas um-appeal sya sa masa at lalo na sa kabataan), maganda cinematography, panalong lines, magandang casting, etc. Pero mas naging makabuluhan sya dahil pinakita nya yung several negative cultures of us Filipinos na kailangan nang bigyan pansin dahil mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nababago. Bakit? Anyare ba? Isa itong vicious cycle, para tayong nasa chubibo na pa-ikot ikot lang. Para syang curse na napasa-pasa mula sa forefathers of our government hanggang ngayon.
TV na nga lang hindi pa magka-isa? Hehe. Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Kanya-kanya na 'to
I remember back when I was still in grade school in our Hekasi class. Our teacher asked the class, after we had a run down of all our presidents from Aguinaldo down to Ramos (the Philippine president during that time) and yung mga naging plataporma nila. Ang tanong was something like, "Tingnan nyo ang mga presidents ng bansa natin... Mula sa kanila bakit sa tingin nyo hindi pa rin umuunlad ang bansa natin?" And I remember walang nakasabi ng saktong sagot sa class namin nun. The answer that our teacher was expecting is, iba-iba kasi ung mga plataporma ng bawat presidente. Ung wala bang continuity? Parang sa bawat pangulo na iluluklok babalik sa stage 1 ung bansa kasi parating iba nanaman yung plano mula sa nauna. Parang lahat sila may gustong simulan, may gustong patunayan at gusto yung credit sa kanila lang at sa administrasyon nila. Pero when something goes wrong, no one wants to take responsibility. Blame game it is.
Na-connect talaga yung traffic sa Manila sa movie eh no? Haha! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Dagdag mo pa ung naglalagay ng mga tao sa katungkulan hindi dahil sa galing at husay nila, pero dahil kaibigan sila ni ganito or konektado sila kay ganire. Kung nabubuhay pa si Mabini ngayon, baka lalo pa sya malumpo. Here's one of his writings about his dismay on Aguinaldo's leadership. He eventually left his post as the Prime Minister before Gen. Luna's death. Read on. Sounds familiar 'di ba?
Image credit to the owner :) Hindi man sya makatayo, Mabini have brains. |
Wala kayo sa lolo ko!
Divide and conquer. Eto ung strategy na ginawa ng mga Spaniards para sakupin nila ang Pilipinas noon through Regionalism. Very evident ito sa movie... Iisang bansa naman pero may kompetisyon pa rin. Iisang gobyerno naman pero hindi magka-isa. Pinakita sa movie ang patigasan ng ulo nila Gen. Mascardo at Gen. Luna. Dahil Ilokano si Luna at hindi Caviteño, ayaw niyang sundin ang heneral kahit mas mataas pa ang ranggo nya. Nakakalungkot pero matindi pa rin ang Regionalism sa'tin. Isama mo na rin ang crab mentality that was also shown in the movie. Totoo yung sinabi sa Bible sa Mark 3:25, "And if a house is divided against itself, that house will not be able to stand."
Bigyan ng kabaong! Hehe :) Image from Heneral Luna Meme FB page |
Don't English me, I panic!
The train scene! Ang lakas ng tawa ko rito sa sinehan haha! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Benta tong scene na 'to sa movie haha! Si Luna na marunong mag-Tagalog, mag-Spanish at mag-French pero hindi marunong mag-English! Napamura tuloy ang heneral... "Nagi-Ingles ako sa sarili kong bayan! P******!" (Op! Op! Maganda ung movie ok, pero wag nyo lang gayahin ang pagmumura guys :) Speak blessing tayo :)) Ang mga Pilipino very particular sa English grammar. Minsan (o di kaya kadalasan) pag may makitang grammatically incorrect kala mo naman ang mangmang na nung nagkamali. Pero kung titingnan mali-mali naman ang Filipino grammar nila, and it seems like nobody cares! (Case point: may tamang paggamit ng "din" at "rin". Sobrang common mistake 'to.) Nagtataka ako at bahagyang nalulungkot dahil may mga Pilipinong ayaw mag-Tagalog dahil mahirap daw. English na lang daw. Naalala ko ung isang batang naka-usap ko minsan. Ang galing nya mag-English, very fluent. Sinabi nya, "Teacher, I don't like speaking in Tagalog. It's so hard. Let's just speak in English." Then I told her, "You can speak in Tagalog. Pilipino ka eh! It's in you, it runs in your blood." :) Ayun, she agreed naman. :)
Kailangan in English? Oh my goodness! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Pano nga naman tayo uunlad kung mismong wika natin neglected? Yung Konstitusyon natin written in English, yung masa hirap silang intindihin ung batas ng bayan nila. Sabagay, tingin ko hindi naman bago yung hirap kang aralin ang sarili mong wika. I remember one time when I was in Korea, may naka-usap akong student dun. Parang ang tanong ko sa kanya, "What is your least favorite subject?" At ang sagot nya, Korean Language. Mahirap daw eh. Hmmm. So hindi pala yun naiiba sa'tin hehe. Mahirap nga naman talaga mag-Tagalog, mas mahaba kasi ung words at minsan ang hirap din bigkasin at basahin. Kahit ako ngayon hindi sigurado kung grammatically correct ang pagta-Tagalog ko rito. But it doesn't mean mahirap na eh hindi mo na mamahalin. :)
Ang sakit kung bagsak ka sa Filipino subject... Oh my goodness! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Who's your mama now?
Si Mother Luna at Mother Aguinaldo. I also noticed yung mga pagkaka-iba nila sa pelikula. Si Mother Aguinaldo, sa buong pelikula andun lang sya sa kwarto nya at mukhang yayamanin ang lola mo. Sa bandang dulo ng palabas, nung tinadtad na ng bala at saksak si Luna, tinanong pa nya mula sa kwarto kung gagalaw pa ba yung bangkay. Hmm, harsh... Sa kabilang banda si Mother Luna. Mukhang yayamanin din sya pero fierce! For me she was portrayed there as someone who is a strong woman pero gentle pa rin (Ikaw ba naman na dalawa sa anak mo naging bayani) Andun pa rin ang pangaral nya sa bunso nya. Andun yung naglalakad sila sa bakuran nila. Hindi sya fully sold out sa desisyon ng anak nya to be in that war pero andun pa rin ang suporta at gabay nya. Ikaw, paano ka magiging isang ina o ama sa susunod na henerasyon? :)
Antonio Luna was also a Thomasian just like Jose Rizal. Go USTe! :) Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Si Isabel, ang love interest ni Luna sa pelikula ay isa ring fictional character. Sabi na. Sa na-research ko kasi si Ysidra Cojuangco ang love interest ni Antonio Luna nun (na ancestor ni Pnoy). Ang character pala ni Isabel dun ay parang combination ng mga love interests ni Luna. Parang sa lahat ng babae nya, mas pinili nya ang krus nya--ang giyera. Ang ta-tragic talaga ng mga love story ng mga bayani natin hay...
Yaya Dub, Pastillas Girl... Ensaymada Girl! Hoho! Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Ung pagkakahawig ng Spoliarium sa ending, ang galing nun! Juan Luna's Spoliarium painting shows fallen gladiators being dragged and stripped off of their armors and even their social status. They were warriors, pero yung death nila is something not honorable. They died just for the entertainment of the Romans. Hindi ako sure kung bakit ginaya ung last scene wherein Luna's and Paco's bodies were dragged na mala-Spoliarium. Siguro it can be something na, kung hindi tayo umunlad sa pagiging Pilipino natin, ung death nila could be just a waste or something not honorable, gaya nung mga gladiators na nasa painting.
Si Joven, ang batang manunulat sa pelikula ay isang fictional character. Sa tingin ko sya yung representation ng kabataang Pilipino sa movie. May eksena nga run when he was caught in the middle of the battle tapos tinamaan yung right hand nya. I was like, "Oh no hindi na sya makakapagsulat..." Ang pag-aaway away nating matatanda at hindi pagkaka-isa, apektado ang kinabukasan ng kabataan.
Ok yung idea na may fictional character sa movie na 'to to whom, I think, majority of the viewers can relate with. Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Yung watawat ng Pilipinas na nasa backdrop ni Luna whenever Joven is interviewing him, habang tumatagal lalong pumapangit. At dun na nga sa ending, nasunog na. Aww ang saklap... :( Hindi na nga rin nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Luna.
Bakit? Bakit kapwa Pilipino pa? :( Image from Heneral Luna Meme FB page. |
Nawa'y mas dumami pa ang ganitong klaseng pelikula. Yung may social relevance and speaks about our History. Ngayon kasi panay about infidelity at rom-com na lang ang palabas. Don't get me wrong, I enjoy watching rom-com movies. Lalo na kung Toni Gonzaga yan o Sarah G. at kinikilig din ako ng sobra sa AlDub loveteam haha! Pero sana wag naman panay ganun na lang ang movies at mga palabas natin di ba?
Yes, the Filipino can!
I've always believed na kaya naman nating mga Pilipinong gumawa ng mga dekalidad na pelikula. Yun nga lang yung award-winning movies natin sa ibang bansa hindi lang sumisikat dito dahil hindi patok sa mainstream. Thank God that Fernando Ortigas agreed to produce this film! The script was originally written in English and was even banked for 17 years! Labing-pitong taon na ang nakakaraan mula nung sinulat ang script ng movie na 'to pero can relate pa rin tayo sa mga negative cultures natin na pinakita sa pelikula.
Ayokong maging reklamador dito. I don't want to be part of those people na panay reklamo sa bansa pero wala namang magandang tinutulong o solusyon na pinre-presenta. Ipagdasal natin ang bayan natin. Yung hindi lang panay reklamo at curses ang lumalabas sa mga bibig natin. Maging mabuting mamamayan, kahit sa maliit na paraan (please, ang munting basura ibulsa muna! Ung simpleng hindi pagkakalat at pagsunod sa traffic rules). And let's guide our next generation. Kaya rin siguro nauulit ang maling nagawa ng mga ninuno natin dahil hindi natin alam ang mga ito. "Forgive and Forget", tama yan. Pero sa History, forgive but never forget. Dahil kung nakalimot tayo, History will just repeat itself.
No comments:
Post a Comment